SUCCESS SA AUSTRALIAN RED MEAT

Layunin namin na tulungan ang food professionals sa kabuuan ng food service sector na maging successful sa tulong ng Australian beef at lamb. Nagsisimula ito sa pagturo sa mga chef at sa mas malawak na food community tungkol sa unique production practices ng Australia at kung paano nakakatulong ang aming farming practices sa aming lugar sa global protein supply chain. Direkta rin kaming sumasali sa culinary support sa pamamagitan ng product development at pagbuo ng menu. Kung may Australian meat na nadagdag sa menu o sa meat case, naroon kami kasama ang customized na marketing support mula sa resource hanggang sa kabuuan ng creative activations. Kasabay nito, ang aming social media at consumer outreach ay tumutulong na mas tumaas ang interes ng mga mamimili sa Australian grassfed beef at lamb.

AUSSIE BEEF - HANDA NA SA FOODSERVICE

AUSSIE BEEF - HANDA NA SA FOODSERVICE

Bilang nangungunang exporter ng beef sa buong mundo, mayroon kaming kakayahan at consistent supply para tugunan ang mga pangangailangan ng foodservice market. Ang exporters ay nagbibigay ng iba't-ibang primal cuts na may dagdag na value, na na-trim at pack para matugunan ang mga eksaktong pangangailangan mo. Lahat ng cut ay available sa user-friendly portions para makatipid sa oras at pera at maaaring makuha buong taon sa pamamagitan ng consistent at scalable na supply.

Ang Aussie beef ay:

- Aged to perfection; ang haba ng oras sa paghatid nito ay nakakatulong pagdating sa pagiging tender ng Aussie beef dahil ito ay dumadaan sa 'wet aging' habang parating sa iyo
- Sulit; ang hiwa ay base sa pangangailangan mo para mas marami ang mabenta o maluto at mabawasan ang tira. Nakakatulong rin dito ang mahabang shelf life ng Aussie beef.
- Traceable pabalik sa farm, salamat sa world-class quality na sistema kasama na ang state-of-the-art na paraan ng pagkilala sa livestock.
- Available sa magkakaibang produkto para sa magkakaibang panlasa at operasyon, grassfed hanggang grainfed, Wagyu hanggang Angus – sagot ka namin.

AUSSIE LAMB - HANDA NA SA FOODSERVICE

AUSSIE LAMB - HANDA NA SA FOODSERVICE

Naihahatid ng Aussie Lamb ang lahat ng hinahanap ng mga mamimili ngayon. Ang aming mga tupa ay nagpapastol sa puro at natural na damuhan at pastulan sa Australia, na nagdadala ng lamb na masarap at mild, lean at tender, at walang artificial additives at hormones. Ilan lang ito sa maraming dahilan kung bakit magugustuhan mo at ng mga bisita mo ang natural na pinalaking Australian lamb. Halos walang buto, taba, at tira, nakakatulong rin ito sa budget mo. Kagaya ng beef, available sa user-friendly portions ang lahat ng cut para makatipid sa oras at pera at maaaring makuha buong taon sa pamamagitan ng consistent at scalable na supply.

Ang Aussie lamb ay:

 - Lean at mababa sa cholesterol kumpara sa ibang animal proteins. Sa katunayan, kalahati ng taba sa lamb ay monosaturated, ang kaparehong klase ng fatty acids na nakikita sa olive oil

- Sulit; ang hiwa ay base sa pangangailangan mo para mas marami ang mabenta o maluto at mabawasan ang tira. Nakakatulong rin dito ang mahabang shelf life ng Aussie lamb.

- Traceable pabalik sa farm, salamat sa world-class quality na sistema kasama na ang state-of-the-art na paraan ng pagkilala sa livestock.

- Natural na banayad ang lasa, salamat sa mga hayop na pinalaki sa pastulan mula sa mga lahi na maingat na pinili, mas bata at mas lean at pinananatili ang magandang eye muscle size.

- Available na may eating quality grade sa pamamagitan ng MSA para masigurado ang consistent quality na mapagkakatiwalaan ng foodservice operators.